First aid sa kagat ng hayop
Nasa laway ng hayop ang rabies virus. Ang tuluy-tuloy na paghugas ng sabon at tubig sa loob ng 15 minuto ay nag-aalis sa protective layer ng virus bago ito kumalat sa nerves.
Lagyan ng betadine o antiseptic pagkatapos at huwag takpan ng masikip na bendahe.
Animal Bite Treatment Center (ABTC) sa Dapa
Ang bakuna sa rabies (Day 0, 3, 7, 28) at immunoglobulin ay kinakailangan sa Animal Bite Treatment Center (ABTC) sa SIMC Hospital sa Dapa. Tutulungan kayo ng aming doktor sa paunang lunas at referral.